San Pablo City – Ayon sa record ng Tanggapan ng San Pablo City Solid Waste Management Office (SPCSWMO) ay may 117 katao na ang nahuhuli at natitiketan dahil sa paglabag sa RA 9003 at City Ordinance No. 2003-15 partikular dito ay yaong nagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar, at Ordinance No. 2008-06 para naman sa mga pampublikong sasakyan na walang basurahan o trash can sa loob ng kanilang sasakyan.
Sinimulan ang pagpapatupad noong nakaraang Oktubre 16, 2009, na kung saan nagtalaga ang SPCSWMO ng 30 Task Force Enforcers mula sa kanilang tanggapan. At sa kasalukuyan ay may 16 na barangay (VA, VD, VII_B, VI-B, IV-C, II-F, II-D, II-A, VI-A, V-C, VII-D, VII-C, Sta. Elena, San Rafael, San Roque at San Lucas I) ang nai-isyuhan ng Tickets upang magpatupad ng mga nasabing batas. Ang Barangay V-A sa pamumuno ni Chairman Fred Almario ay nakapagsumite na sa SPCSWMO ng 57 violators.
Para sa unang paglabag ito ay may multa na P300.00; ikalawang paglabag ay P500.00 at ikatlong paglabag ay P1,000 o serbisyong pangkomunidad ng 1 hanggang 15 araw sa pamahalaang loKal kung saan ginawa ang paglabag.
Nananawagan ang SPCSWMO sa pamumuno ni Engr. Ruelito J. Dequito na suportahan natin ang programa para sa kalinisan upang ang pagmumulta ay maiwasan.
Saturday, January 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment