Sumapit na sa sukdulan ang ika-3 termino sina Cavite Gov. Ayong Maliksi at Laguna Gov. Teresita Lazaro na nakatakdang magtapos sa 2010, kasabay ng maraming LGU Chief Executive ng mga bayan at lunsod dito sa Calabarzon.
Masigla na ang takbo ng pulitika sa mga nasabing lugar sa kadahilanang wala nga namang depending champion kung baga sa makakalaban ng mga challenger sa darating na 2010 election dahilan sa term limit ng mga nakaupong opisyal.
Sa lalawigan ng Laguna ay apat ang kompirmadong nag-gigirian na sa pagka-gobernador na kinabibilangan nina dating gobernador Joey Lina, Vice-Governor Ramil Hernandez, Mayor E.R. Ejercito at provincial administrator Dennis S. Lazaro, samantalang sa lalawigan ng Cavite ay ang napapabalitang manok ni Gob. Ayong na si Vice-Gov. Ompong CampaƱa at Jonvic Remulla ng Partido Magdalo.
Tatakbong muli sa reeleksyon sina Quezon Gov. Raffy Nantes, Rizal Gov. Jun Ynares at ang napapabalitang nililigawan ng administrasyon na ipanlabang pangalawang-pangulo ng bansa subalit matatag ang paninindigang hindi iiwan ang Batangas bilang gobernador ng lalawigan si Gob. Vilma Santos-Recto.
Last term na rin ni Lucena City Mayor Ramon Talaga dangan nga lamang at inabot ng 57 day suspension sapagkat nawalang bisa na ang TRO na ibinigay ng hukuman sa panahon ng kanyang 2nd term kung saan ang napigil ay ang pagpapatupad nito. Medyo may epekto ito sa kung sino man ang mamanukin ni Talaga at magpapalutang sa tsansa ni Vice-Mayor Philip Castillo bilang mayoralty bet sa Lucena.
Sa Batangas City ay hayag nang sinasanay ni Mayor Eddie Dimacuha ang kanyang maybahay na si ABC President Vilma A. Dimacuha sa tungkulin ng isang city executive bilang paghahanda sa pagtatapos ng kanyang termino. Medyo mahihirapan ang makakatunggali ni Mam Vilma Dimacuha sapagkat batid naman ng lahat kung gaano kamahal ng mga taga-Batangas City si Mayor Eddie.
May mga gumigire naman na ang puntirya ay ang posisyon nina San Pablo City Mayor Vicente B. Amante, Calamba City Mayor Jun Chipeco, Sta. Rosa City Mayor Arlene Nazareno, Tanauan City Mayor Sonia Aquino, Lipa City Mayor Oca Goza, DasmariƱas Mayor Jonny Bargaza, Laguna’s 3rd Dist. Rep. Ivy Arago, 4th Dist. Cong. Egay San Luis, Cong. Procy Alcala ng Quezon at marami pang iba.
Well good luck na lamang sa mga challenger sapagkat ang performance ng mga incumbent officials na ito ang mahigpit ninyong kalaban.(SANDY BELARMINO)
Tuesday, September 22, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment