Inilunsad ng Depatment of Trade and Industry (DTI) ang NERBAC – Calabarzon (National Economic Research and Business Assistance Center) kasabay sa pagpupulong ng Regional Development Council na ginanap sa UP Los Baños kamakailan.
Itinampok sa naturang paglulunsad ang paglagda sa declaration of commitment ng pambansang pamahalaan at League of Cities and Municipalities ng bansa.
Nilalayon ng NERBAC Calabarzon na magkaroon ng one-stop shop business registration sa rehiyon upang mapadali ang proseso ng aplikasyon para sa mga nagnanais magnegosyo.
Ang pagpapatala ng isang negosyo, kasama ng lisensya at permit ay maaari nang gawin sa pamamagitan lamang ng isang online application na may single data entry na otomatikong tutungo sa mga kinauukulang ahensya na higit na magpapabilis sa transakyon at makaiiwas sa red tape.
Sa panimulang antas ay magbabatay ang NERBAC sa Philippine Business Registry (PBR) upang maging simple ang registration requirements at hahayaan ang data sharing mula at patungo sa ibang ahensya tulad ng BIR, SSS at SEC.
Kasama rin sa NERBAC-CALABARZON ang NEDA, RDC 4A, Bangko Sentral ng Pilipinas, CDA, DA, DENR, DFA, DOLE, DOT, Pag-ibig Ftnd at PhilHealth. (NANI CORTEZ)
Monday, June 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment