Friday, June 13, 2008

8 MOTORSIKLO, NAREKOBER NG SAN PABLO PNP


CLAIM YOUR BIKE and FILE CHARGES- This is the appeal of San Pablo PNP Chief of Police P/Supt Joel C. Pernito to owners of these stolen motorcycles recovered by operatives of said police station from syndicate operating in the region. (NANI CORTEZ/Pres. Seven Lakes Press Corps)


San Pablo City - Nagbunga ang pagkadakip ng mga operatiba ng San Pablo PNP sa dalawang hinihinalang karnaper sa isinagawang buy burst operation kamakailan sa Brgy. Sta. Maria Magdalena lunsod na ito na humantong sa pagkakarekober ng walong pinaniniwalaang karnap na motorsiklo sa iba’t-ibang dako ng rehiyon.

Sa report na isinumiti ni COP P/Supt. Joel C. Pernito kay Laguna PD P/S Supt. Felipe Rojas Jr. ay kinilala ang dalawang suspek na sina Mark Anthony Abital alyas Macoy, 22 anyos ng Barangay III-C at Darwin Azores, 28 anyos, binata ng GreenValley Subd. Brgy. Calihan, kapwa ng lunsod na ito.

Ganap na 2:30 ng hapon noong Linggo ay nagpanggap na buyer ng motorsiklo ang mga tauhan ni P/S Insp. Francisco Barcala ng Intelligence section, kung saan nagkasundo ng bilihan sa halagang P10,000 bawat isa. Makaraan ang transaksyon ay agarang inaresto ang mga suspek. Napag-alamang ang mga nasabing motorsiklo ay kinarnap sa Lipa City at Candelaria, Quezon.

Sa isinagawang follow-up operation matapos ang interogasyon sa mga suspek ay nakabawi pa ang pulisya ng anim (6) pang kinarnap na motorsiklo sa stockyard ng naturang grupo sa loob ng isang sagingan sa may Brgy. San Bartolome. Lumilitaw sa pagsisiyasat na ang mga ito’y kinarnap sa Nagcarlan, Laguna, Calamba City at Zamboanga City.

Inaalam pa ng San Pablo PNP ang pagkakakilanlan ng iba pang miyembro ng sindikato na pinaniniwalaan ng pulisya na sangkot sa malawakang karnaping sa Calabarzon para sa kanilang ikadarakip. (NANI CORTEZ)



No comments: