Thursday, May 1, 2008

BROD SANDY, SA IYONG KAARAWAN... PARA SA IYO, ANG SANAYSAY NA ITO!

Sa udyok ng mga kasamahan sa media ay nabuo ang paglikha ng artikulong ito bilang pasasalamat ng mga nabibilang sa propesyon na sa alin mang kaparaanan, malaki man o maliit, ay naalalayan ng isang personaheng ang makapag-lingkod ang tanging pakay.

Hawak niya ang susi hanggang sa kaliit-liitang detalye ng bawat ulat, kaganapan at mga breaking news sa Lunsod ng San Pablo at karatig-bayan. Tanungan at nagsisilbing Clearing House ng mga balitang bago pa lang nangyari at kasalukuyang nagaganap, na mabisang sangkap ng mga kasamahan sa hanapbuhay upang makaagapay sa deadline ng kanilang pahayagan.

Katotohanan lang na walang tamang akala sapagkat marami ang nagkakamaling isa siyang kawani ng lokal na pamahalaan. Dahilan ito ng kanyang direktang pakikipagtalastasan sa lahat ng opisyales ng lokal na pamahalaan, mula kay Mayor Vicente B. Amante, Sangguniang Panlunsod, ABC President Gener B. Amante, Congresswoman Ivy Arago, Gobernadora Ningning Lazaro at pinuno ng bawa’t departamento tungo sa mga karaniwang empleyado. Isa lang siyang mediaman na kailan ma’y hindi nagkaroon ng item sa pamahalaan at ni minsa’y di lumitaw ang pangalan sa payroll ng lunsod.

Malawak ang kanyang network na umaabot sa kasulok-sulukang bahagi ng mga barangay. Direkta rin siya sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga opisyales nito particular sa mga barangay chairmen. Ito ang kung bakit ang isang ulat ay nabubuo niyang isulat ng kagyat, na higit na mas una sa lahat. Subalit bukas-palad naman niyang ipinamamahagi ang mahahalagang impormasyong ito.

Lubhang importante ang mga bagay na ito sa antas ng propesyon ng mga nasa media at ang halaga ay hindi kayang turingan.

Kaya Brod, Kapatid, Kasamang SANDY BELARMINO sa darating na MAYO 13, sa pagsapit ng kaarawan ng iyong pagsilang sa mundong ibabaw HAPPY BIRTHDAY at nawa’y sapitin mo pa ang mas maraming kaarawan. Kailangan ka ng media profession, ng mga indigents na iyong pinaglilingkuran at ng bayan for His everlasting Glory. (NANI CORTEZ/ Pres. 7LPC)

No comments: