Tuesday, March 25, 2008

SAN PABLO CITY HUMAKOT NG PARANGAL SA ANILAG FESTIVAL ‘08

Press Release
City Information Office
March 17, 2008


SAN PABLO CITY HUMAKOT NG PARANGAL SA ANILAG FESTIVAL ‘08


San Pablo City- Sa tuwirang pakikipag-ugnayan ng City Tourism Office at sa mahalagang tulong ni Mayor Vicente Amante at City Administrator Loreto Amante humakot ng parangal ng Lunsod ng San Pablo sa nakaraang Anilag Festival ’08 na ginanap mula Marso 10-16 sa Sta. Cruz Provincial Capitol Compound.

Isang malaking karangalan na nakuha ng lunsod ang isa sa pinakamalaking patimpalak ng nasabing festival na Binibining Laguna. Itinanghal si Bb. San Pablo ‘08 Rodhalyn Pessina ng Brgy. Sto. Niño ang titulong Bb. Laguna samantalang si Ms. Cocofest ’08 Francheska Mica Villapando ng Brgy. San Vicente ang 2nd runner-up.

Sa ginanap naman na Gawad Sining ay nabigyan ng parangal sa larangan ng teatro si G. Alex Cortex at si Blairwin Ortega ay itinanghal namang Outstanding Youth of Laguna.

Ang iba pang awards na nakuha ng Lunsod ng San Pablo ay ang mga sumusunod: Amateur Singing Contest (Open Division)- Lea Marie Hernandez (Champion); Dance Showdown- Exclusive Terrorrangers (2nd place) at Philippine Pirates (3rd place); Booth Entry (3rd place) at Star Quest- Marian Eloisa Villostas (3rd place).

Sa Best Tourism Establishments naman ay nakuha ng Total Gas Station ng Brgy. San Rafael ang Best Gas Station at ang Maria Paz Resort naman ay nakuha ang 2nd place. Samantalang nabigyan naman ng Special Recognition ang Coco Palace Hotel. (CIO-SPC)

No comments: