Sa anumang larangan ay lubhang napakahalaga ng pangako sa dahilang ito ang sandigan ng kinabukasang maaaring kaharapin ninuman. Ito rin ang batayan ng lahat sa kasalukuyan upang magbalangkas ng magandang bukas.
Ang kaparaanang ito ang ginagamit ng lahat sa pagsasakatuparan ng kanilang balakin, na ang tagumpay o kabiguan ay batay na rin kung ang planong ito ay mahigpit na maisasakatuparan. At wala sanang problema kung ang pangakong ito ay sinambit ng isang tao sa kanyang sarili o sa antas ng indibidwal na kapasidad.
Nagkakaroon lang ng suliranin ang isang pangako kung ito ay sa pagitang ng dalawang katao, sabihin mang may kontratang nilagdaan, kung kaya nga’t may mga sumbong sa ating mga hukuman na Breach of Contract na ibig sabihin ay in bad faith na hindi tinupad ng isang panig ang kanyang pangako.
Ito ay kung may kontrata. Ang tanong ay paano kung wala? Ala eh, patay kang bata ka, na ibig sabihin ay magpahinog ka na lang! May solusyon rin namang katapat ito, ang huwag nang paniwalaan ang lumason ng inaasam mong bukas. Simple lang, dahil unfair namang in good faith na tinupad mo ang iyong papel subalit sa isang banda ay may nagbalasubas.
Karaniwang nangyayari ito sa pulitika, sa pagitan ng isang kandidatong panay ang pangako at mga pinangakuang taumbayan. Ganito ang ginawa sa atin ng ating mga konsehales at Vice-Mayor noong nakaraang halalan. Nangako sila at naniwala tayo, kaya nga sila naluklok sa tungkulin.
Ang tanong ay tumupad ba sila sa pangako? SANA! Pwede ba natin silang isumbong sa hukuman? SANA! Ngunit hindi maaari sapagkat walang nalagdaang kontrata. May paraan pa ba? MERON at ito’y huwag na silang paniwalaan sa muling pagharap nila sa bayan, at ito’y malapit na.
Ngayon pa lang bayan ay magtalino at pumili na kayo ng ipangpapalit sa mga pulitikong ito. Huwag na ninyong pansinin ang ginagawa nilang pagpapa-cute, pagmamano, pagkakabit ng mga pagbati at pagpapa-pogi sa pamamagitan ng streamer at tarpaulin, pagpapasayaw at pag-attend sa iba’t-ibang okasyon ng barangay, sapagkat kung nagawa nilang sumira sa pangako, muli’t muli nilang magagawa ang ganitong gawain sapagkat para sa ilan nating mga konsehales at Vice Mayor, ang pangangakong hindi tinutupad ay masasabing kasanayan na nila. Sabi nga sa radio ay “BISYO NA ‘TO” kung kaya’t huwag na natin silang ihalal muli.(SANDY BELARMINO/Vice-President, Seven Lakes Press Corps)
Sunday, February 22, 2009
PICTORIAL, LAKAN AT MUTYA NG MALAMIG

SCHEDULE OF ACTIVITIES(TODO UNLAD: MALAMIG FESTIVAL 2009)
March 13 - Senior Citizen Night/Ms. Gay Contest
March 14 - SK Night/Ms. Bebot Contest
March 15 - St. Anne Carmelli/San Jose Elem School/San Jose Malamig TODA Night
March 16 - Pharma Night/Singing Idol
March 17 - Chairman’s Night/Grand Coronation of Lakan and Mutya ng Malamig
March 18 - Danny Yang’s Night/Battle of the bands
Street Dancing (1:00 p.m. to 5:00 p.m. – San Jose’s Barrio Road)
March 19 - Mayor Vicente B. Amante’s Night/DLSP/Variety Shows/special
appearances of showbiz personalities.
- Palarong Pinoy (8:00 a.m. to 11:00 a.m)
LAKAN AT MUTYA NG BRGY. MALAMIG

Kaugnay ng isinasagawang malakihang preparasyon sa idaraos na Todo Unlad: Malamig Festival ng Brgy. San Jose, Lunsod ng San Pablo, ay wala na rin humpay ang paghahanda ng mga kalahok sa Search for Lakan and Mutya ng Malamig 2009 upang higit nilang maipamalas ang bawat angking kagandahan at mga talento sa nalalapit na Grand Coronation Night sa Marso 17 taong kasalukuyan. Kuha ang mga larawan sa bakuran ng magarang tahanan nina ABC Pres. Gener B. Amante at Kapitana Lita A. Amante sa Richwood Subd., San Jose, San Pablo City. (SANDY BELARMINO)Tuesday, February 17, 2009
RANDOM DRUG TEST SA BJMP REGION 4-A

Upang higit na mapalawak ang pagtitiwala ng publiko sa BJMP Region 4-A ay isinagawa kamakailan ang random drug testing sa mga Provincial Administrators (PA’s), Wardens at mga opisyales at kawani ng naturang kagawaran. Ang makabago at modernong Lucena City Diagnostic Testing Center ang siyang nagsagawa ng kaukulang urine and blood analysis. Ito’y pagtalima ni Regional Director J/S Supt. Norvel M. Mingoa sa direktiba ni DILG Sec. Ronaldo V. Puno na magsagawa ng random drug testing ang lahat ng sangay ng BJMP upang matiyak na ang lahat ng mga kawani at opisyales nito ay hindi gumagamit ng ipinagbabawal na droga at isa itong “Drug Free” gov’t agency. (SANDY BELARMINO)Sunday, February 15, 2009
SPCSHS OIC RAMOS KINILALA NI AMANTE
Nasa larawan si DEPED Education Supervisor-1 Helen Ramos habang tinatanggap ang sertipikasyon ng pagkilala at pagpapahalaga ni Alkalde Vicente B. Amante sa mga naiambag ng San Pablo City Science High School (SPCSHS) upang ang Lunsod ng San Pablo ay higit pang makilala at mangibabaw sa larangan ng edukasyong pang-agham. Si Ginang Ramos ang Officer-in-Charge ng SPCSHS sapul ng ito’y maitatag noon taong 2005 sa pamamagitan ng lubos na pagkakaisa at pagtutulungan nina Mayor Amante at San Pablo City Division of Schools Supt. Dr. Ester Lozada. Nasa larawan din si Head Exec. Asst. Atty. Marius Zabat at Bb. Donnalyn B. Eseo. (SANDY BELARMINO)
Saturday, February 14, 2009
PAALAM KUYA BOYETH
Katulad ng dulang mabilis ang takbo ng kasaysayan ay kinakailangan kong umagapay sa biglaang pagbabago ng pacing sa istorya sapagkat sa bawat pagpapalit ng tagpo ay kasing kahulugan ng madaliang pagsasara ng telon.
Bagama’t labis ang dalamhati ng may akda sa pagyao ni Chairman Noli “Bunso” Magsambol Jr. na isang mabuting kaibigan ay labis naman ang alalahanin ko sa pagkakaratay sa pagamutan dahil sa maselang na karamdaman ng kapatid ko sa binyag na si Chairman Boyeth “Kuya” Dioso. Na-stroke si Boyeth at bawat sandali ay nagdudulot ng sobrang pangamba.
Tapos na ang pitak na ito noon pang araw ng Miyerkules at ang buod ay may kasamang taimtim na panalangin ukol sa maaga niyang paggaling. Ang kailangan na lamang ay ang isumite ito sa palimbagan upang maging bahagi ng blogspot na ito.
Subalit kagya’t ng bawat tagpo sa dula ng buhay dahil sa habang naghihintay ng paglabas ng bakanteng oras upang ma-i-post ito ay isang nakakagimbal na balita ang gumalantang sa kasapian ng Liga ng mga Barangay Huwebes, habang lumulubog ang Haring Araw ay tuluyang pumanaw si Boyeth na tila hindi na kinayanan ang labis na hirap na dinaranas ng kanyang katawang lupa.
Hindi dapat magwakas ang kolum na ito sa puntong naghihirap ang isang itinuturing kong higit pa sa kapatid, sabihin mang ang nais ko’y makita siyang lagpas sa panganib. Sa pagkakataong ito’y hindi nanaig ang nais ko, manapa’y ang loob ng Poong Maykapal.
Katulad ni yumaong Noli “Bunso” Magsambol Jr. ay niloob ni Bathalang makapiling na si Kuya Boyeth Dioso sa Kanyang kaharian. Marahil ay higit sila Niyang kailangan. Nais ko mang tumutol ay wala nang magagawa sapagkat ang Panginoon na ang nangusap. Totoong mabilis nga ang pacing ng kwento na kahit sa kanyang pagwawakas ay wala nang masabi kundi: Paalam Kuya Boyeth, Paalam Chairman Dioso. (KAPATID SANDY BELARMINO)

PANUNUMPA SA KATUNGKULAN
Nasa larawan si Kgg. Ruben A, Belulia (kaliwa) habang nanunumpa sa katungkulan bilang bagong Barangay Chairman ng San Gabriel, Lunsod ng San Pablo. Si Belulia ang kapalit ng yumaong Brgy. Chairman Noli “Jonjon” Magsambol. Pinamahalaan ni Mayor Vicente B. Amante ang naturang okasyon at humiling ang butihing alkalde na higit pang suportahan ng bagong chairman ang mga proyekto at programa ng kanyang administrasyon. (SANDY BELARMINO)
Subscribe to:
Posts (Atom)